Pasok na sa semifinals ng Dubai International Basketball Championship ang Mighty Sports Philippines.
Ito ay matapos nilang talunin ang Iraq Oil Sports Club sa score na 108-94.
Bumida sa panalo ang UP Maroon standout player na si Juan Gomez De Liaño na may 21-points.
Sunod na makakalaban ng Mighty Sports ang Lebanese Basketball Team na Al Riyadi mamayang alas-dose ng hatinggabi (oras sa Pilipinas).
Facebook Comments