Migo Adecer, nag-public apology na

Nag-public apology na ang aktor na si Migo Adecer matapos niyang masagi ang dalawang tauhan ng MMDA at makabangga ng mobile patrol ng PNP.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Adecer na hindi niya planong labagin ang batas at hindi rin raw niya intensyon ang nangyari.

Anuman raw ang kanyang nasabi at nagawa ay produkto lamang ng magkahalong galit at pagkalito.


Kasabay nito, nagpasalamat ang aktor sa dalawang MMDA personnel na hindi na nagsampa ng kaso laban sa kaniya.

Sa huli, humingi rin ng pang-unawa si Migo sa hindi pagpayag sa anumang panayam.

Sa tamang oras aniya haharapin niya ang mga publiko ukol sa insidente.

Facebook Comments