Migrant Workers Offices sa Osaka at Tokyo, nakikipag-ugnayan na sa employers’ ng mga Pinoy na posibleng naapektuhan ng malakas na lindol kagabi

Nakikipag-ugnayan na ang Migrant Workers Offices (MWO) sa Osaka at Tokyo sa Japan, sa employers at sa mga kumpanyang pinapasukan ng mga Pilipino sa Ehime at Kochi prefectures.

Layon nito na alamin ang kalagayan ng mga Pinoy doon matapos ang malakas na lindol kagabi.

Ito ay bagamat wala namang naiulat na Pilipinong nasawi o nasaktan sa nasabing pagyanig.


Nakikipag-ugnayan na rin ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Consulate General sa Osaka gayundin sa Philippine Embassy sa Tokyo para mabilis na makakuha ng impormasyon.

Sa nasabing lindol, 8 ang nasugatan bagamat hindi naman ito nagdulot ng malaking pinsala.

Facebook Comments