Manila, Philippines – Kinondena ng Migrante International sa hindi pagboto ng Pilipinas sa posibleng pakikialam ng United Nations sa kalagayan ng Rohingyas sa Myanmar.
Ayon kay Arman Hernando, spokesperson ng Migrante, dahil nakakalat ang mga Pilipino sa lahat ng panig ng mundo, hindi katanggap-tanggap na hindi bumoto ang Pilipinas sa pagtutulak ng isang draft ng resolution sa United Nations General Assembly na nanawagan ng humanitarian aid access sa Rohingya at i pressure ang Myanmar na magkaloob ng citizenship rights sa Rohingya Muslims.
Aniya, magmumukha ang Pilipinas na hindi kumikilala sa human rights at social justice at patitibayin ang pagtingin na ang Duterte administration ay walang pag aruga sa mga mahihina at pinagsasamantalahan.