Migrante International, kinumpirma ang pagkakalusot sa parusang bitay ng pinay OFW sa UAE

33

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Migrante International ang pagkakaligtas sa parusang bitay sa United Arab Emirates ng Filipina OFW na si Jennifer Dalquez

Gayunman, magsisilbi pa rin si Dalquez ng limang taon sa kanyang sentensya.

Ayon sa pamilya Dalquez, nakausap na rin nila kahapon si Jennifer at nagpapasalamat ito sa lahat ng sumuporta sa kanya.

Nakipag-ugnayan na rin anila sa kanila ang Dept. of Foreign Affairs at ibinalita ang acquittal ng pinay OFW.

Una nang sinampahan ng kasong murder si Jennifer matapos nitong mapatay sa saksak ang kanyang amo na nagtangkang manghalay sa kanya noong December 2014.

Facebook Comments