Migration posts kaugnay ng pagkadismaya sa eleksyon, kabi-kabila

Kasabay ng pagkadismaya ng ilang Pinoy netizens sa resulta ng halalan, kabila-bila na rin ang post sa Facebook at Twitter tungkol sa migration.

Ilang oras lang matapos maglabas ng partial unofficial na resulta ng bilangan, may mga netizens na nag-share ng Places To Migrate When You Feel Your Country Has Failed You na article mula sa 8LIST.PH. Maski ilang Facebook page ay nakishare na rin nito.

Mayroon pang isang netizen na napaaga ata ang paghahanda at nagpost pa ng screenshot ng kanyang passport appointment sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Bukod sa ibat-ibang rekomendasyon ng bansa kung saan puwedeng mag migrate, tumaon din ang balita ng SanDiegoRed.com tungkol sa isang batas sa Spain na magbibigay ng Spanish citizenship sa mga may apelyidong kasama sa listahan.

Hindi rin nakalagpas ang pausbong na trend na ito sa advertising at marketing. Gaya na lamang ng kumpanyang ito:

Hindi naman natuwa ang ilang netizens at sinabing hindi magandang biro ito at tila ba sinasabi raw ng mga nais mag-migrate na sinukuan na nila ang bayan at wala nang pag-asa ang Pilipinas.

Anila, sa panahong ito tayo mas kailangan ng Inang bayan.

(Mary Rose Garzon contributed to this story)

Facebook Comments