Manila, Philippines – Tinawag na milagro ng concert producer na si Joed Serrano ang matagumpay na two-night concert ni Celine Dion sa MOA Arena nitong buwan.
Sa isang presscon noong Huwebes, inamin ni Serrano na halos muntikan na talagang hindi natuloy ang concert.
Isang kaibagan daw kasi na nag-commit na magbigay ng kalahati ng talent fee ng Canadian singer ang biglang nag-backout at the last minute.
Pero naitawid daw nila ito sa tulong ng King of Talk na si Boy Abunda.
Kwento ni Serrano, wala silang personal relationship ni Tito Boy pero dahil desperado siyang matuloy ang concert nakipag-usap niya sa TV host na nagpakilala naman sa kanya kay Flor Santos ng Dreamwings Entertainment.
Dahil dito, sobra-sobra ang pasasamalat ni Serrano kina Tito Boy at Santos na tumulong sa kanya para maitawid ang concert.
Si Serrano ay dating miyembro ng Youth-Oriented Show na That’s Entertainment na pumasok sa pagpo-produce ng mga concert noong 1998.