MILF, inalis na ng UN sa listahan ng mga armadong grupong nagre-recruit ng mga bata

Manila, Philippines – Inalis na ng United Nations ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa listahan ng mga armadong grupo na nagre-recruit ng mga bata.

Base sa report ng UN secretary general nitong Agosto, halos 2,000 mga bata ang tinanggal na bilang mga miyembro ng MILF.

Para naman sa United Nations Children’s Fund (UNICEF), tagumpay ito para sa Pilipinas.


Patunay anila ito na isinasaalang-alang na karapatan ng mga bata sa bansa.

Facebook Comments