MILF, kumikilos na rin para matugis ang mga nasa likod ng Jolo twin bombing

Kumakalap na ng mga impormasyon ang Moro Islamic Liberation Front o MILF para matukoy at matuntun ang mga responsible sa magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Ayon kay MILF Chairman Al-Hajj Murad Ebrahim, handa silang tumulong sa isinasagawang imbestigayson ng militar at pulisya.

Kasabay nito, kinondena ng MILF ang nangyaring pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.


Giit ni Ebrahim, isa itong karuwagan na isang tangkang pagsira sa pag-asang kapayaan na pangako ng Bangsamoro Organic Law o BOL.

Aniya, hindi sila papayag kung ang layon nito ay pagbanggain ang mga Kristiyano at Muslim sa bansa.

Facebook Comments