“Understanding, and Supporting the Bangsamoro Peace Process and the New Bangsamoro Basic Law 2017” ang tema ng naturang Joint Peace Advocacy Assembly na dinaluhan ng community leaders ng North Upi, Maguindanao at mga miyembro ng MILF Kutawato Political Committee.
Ayon sa isa sa organizers ng asembleya na si Zukalnin Mamalangkas, ang pinaka-layunin ng peace advocacy assembly ay maiangat ang pag-unawa ng Bangsamoro hinggil sa Peace Process at sa bagong Bangsamoro Basic Law 2017 (BBL) na binalangkas ng Bangsamoro Transition Commission (BTC).
Sinabi naman ni Prof. Esmael A. Abdula, President of Kalilintad Peacebuilding Institute (KPI) at BLMI Training Officer ang Proposed BBL ay inclusive o para sa lahat ng stakeholders sa Bangsamoro, kasama ang indigenous people at migrant settlers.
Inudyukan din ni Abdula ang IPs at migrant settlers na makiisa sa mga kapatid na Moro sa paghikayat sa Philippine Government na agad ipasa ang BBL.
MILF Kutawato Political Committee, North Upi LGU, nagsagawa ng Joint Peace Advocacy Assembly!
Facebook Comments