Marawi City – Nakibahagi ang ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front, kasama ang provincial volunteer sa rescue at retrieval teams na pumasok sa war zone sa Marawi City.
Ayon kay Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Asec. Dickson Hermoso, sinamantala ng naturang grupo ang walong oras na humanitarian pause na ipinatupad ng Armed Forces of the Philippines kahapon para sagipin ang mga na-trap na residente sa lunsod.
Sabi pa ni Hermoso, natukoy na nila ang mga lugar na pinagtataguan ng mga sibilyan, batay na rin sa tawag ng mga naipit na residente.
Base sa taya ng AFP, nasa 300 hanggang 500 residente pa ng Marawi City ang patuloy na naiipit sa kaguluhan.
Facebook Comments