Ipasa at hayaang Supreme Court (SC) ang magdesisyon sa constitutionality ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ito ang hikayat ng miyembro ng Islamic Liberation Front (MILF) Peace Implementing Panel sa Philippine Congress.
Ayon kay Professor Abhoud Syed Lingga, miyembro ng MILF Peace Implementing Panel, hayaang ang SC ang magpasya kung anong mga probisyon ang constitutional o hindi sa panukalang BBL na pag-asa na magbibigay sa Bangsamoro sa kanilang minimithing self-governance.
Sinabi pa ni Lingga na, solong responsibilidad ng gobyerno ng Pilipinas na ipasa ang BBL.
Anya pa, ang pinahusay na BBL ay dapat pumasa, hangga’t maari ay manatili ang lahat ng probisyon nakapaloob dito dahil tugon ito sa mga lihitimong karaingan ng Bangsamoro at makakatulong na maisakatuparan ang karapang pamunuan ang kanilang sarili.
Sinabi pa ni Lingga, sakaling madetermina ng SC na may unconstitutional provision, makakapanukala din naman ang binuong Bangsamoto Transition Commission (BTC) na amyendahan ang Saligang Batas upang ma-accommodate ang ano mang probisyon sa BBL na unconstitutional. (photo from MILF official website)
MILF Peace Implementing Panel, hinikayat ang Kongreso na ipasa ang BBL!
Facebook Comments