MILF, pinabulaanang may namatay sa kanilang panig sa nangyaring raid noong Biyernes sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat Province

Cotabato, Philippines – Binigyang diin ni Moro Islamic Liberation Front – Bangsamoro Islamic Armed Forces Spokesperson Von Al-haq na walang loose command ang MILF taliwas sa naunang balita na MILF loose command ang nakasagupa ng tropa ng pamahalaan sa Sitio Mantisao, Bual sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat Province noong umaga ng Biyernes.

Sinabi nito kung hindi lehitimong miyembro ng MILF ay hindi kasapi ng organisasyon.

Pinabulaanan din ni Al-haq na 10 ang casualty sa naturang engkwentro.


Dalawa lamang sa mga nakasagupa ng mga otoridad ang lehitimong miyembro ng MILF na nasugatan lamang at hindi namatay, kinilala itong sina Kumander Dimas, junior officer ng MILF at isang Aldulmaguid Logiuman alyas Black Moro na nasa kanyang tahanan lamang at hindi kasama sa mga nakasagupa ng militar ngunit dinampot pa rin ito ng mga sundalo at ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan.

Ang mga nabanggit na mga personalidad ay magsasaka lamang sa lugar at namumuhay ng tahimik.
DZXL558

Facebook Comments