MILF – UNICEF, nagdaos ng training kaugnay ng proteksyon ng kabataang apektado ng armed conflict!

Magkatuwang na inorganisa ng Moro Islamic Liberation Front at ng United
Nations Children ‘s Fund (UNICEF) ang training ng Para – Social Workers
para sa proteksyon ng kabataan at kanilang pamilya na apektado ng mga
kaguluhan.

Ang mga partisipante ay pinili at inirekomenda ng MILF sa pamamagitan ng
kanilang SWC (Social Welfare Committee) at BIWAB (Bangsamoro Islamic Women
Auxiliary Brigade) na nasa ilalim ng Bangsamoro Islamic Armed Forces
(BIAF).

Ang training ay inimplimenta ng CFSI (Community and Family Services
International), international NGO na pinopondohan ng UNICEF.


Layunin ng pagsasanay na i-capacitate ang para – social workers ng MILF sa
pag-trato sa mga dating “child combatants” ng MILF bilang bahagi ng
pagtanggal ng UN sa MILF sa listahan ng mga *rebolusyonaryong* grupo na
gumagamit ng “child warriors”.

1,689 ang bilang ng tinatawag na “disengaged children” ang inaasistehan ng
para – social workers ng MILF sa suporta ng CFSI – MILF – UNICEF.

Facebook Comments