Militant transport group na PISTON, tuloy ang transport strike bukas

Tuloy bukas ang tigil-pasada ng mga jeepney driver na nasa ilalim ng militant transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON).

Ito ang inanunsyo ni PISTON National President Mody Floranda pagkatapos niyang magbigay ng assessment sa unang araw ng week-long transport strike.

Ayon kay Floranda, magtutuloy-tuloy ang kanilang transport strike hangga’t hindi naglalabas si Pangulong Bongbong Marcos ng Executive Order na nagkakansela sa jeepney phaseout.


Giit ng PISTON, mga negosyante lang ang makikinabang sa PUV modernization at dehado ang ordinaryong mga driver at operator.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na hahanap ng ibang paraan ang gobyerno para mapagbuti ang implementasyon ng PUV modernization.

Aniya, halos 100% na naparalisa nila ang mga ruta ng pampasaherong jeep sa Metro Manila.

Ani pa ni Floranda, 100% ng jeepney transport sa Monumento, Novaliches, Alabang, Pasig ang naparalisa ng transport strike.

Facebook Comments