Militanteng grupo, magsasagawa ng serye ng kilos protesta para kay Kian Delos Santos

Manila, Philippines – Naglinya ng mga pagkilos ang grupong Bagong Alyansang Makabayan upang ipanawagan ang hustiya para kay Kian Delos Santos, ang 17 anyos na binatilyo na napaslang sa isang Anti-Illegal Drug operation sa Caloocan City.

Mamaya, alas 4 y media ng hapon ay tutungo ang grupo sa Camp Crame, kung saan isasabay na rin nila ang pagkilos laban sa mga drug related killings.

Habang sa Biyernes (August 25) ay tutungo sila sa Sta. Quitera chuch sa Caloocan City pagpatak ng alas 4 ng hapon.


At sa Linggo ay kakalampagin rin nila ang police station sa Caloocan City.

Ayon sa grupo, hindi sapat na pinaiimbestigahan na ng Pangulo ang kaso ng pagkamatay ni Delos Santos dahil nagpapatuloy pa rin ang mga patayan sa bansa.

Makabubuti anila na ihinto na mismo ang war on drugs dahil sa ganitong paraan lang matitiyak wala ng inosente pa ang madadamay.

Facebook Comments