Lumusob ang militanteng grupo sa harapan ng Kampo Aguinaldo kasabay ng pagbisita sa bansa ng dalawang mataas na opisyal ng Estados Unidos na sina US Secretary of State Antony Blinken at US Defense Secretary Lloyd Austin at nagsagawa ng kilos-protesta.
Sumugod ang grupong Bayan, Bayan Muna, Kilusang Mayo Uno at iba pa hawak ang placards na “US Troops out of the Philippines.”
Ito’y upang kontrahin ang nakatakdang 2+2 ministerial dialogue ngayong araw sa pagitan ng Defense at Foreign Officials ng Pilipinas at US na ang tangi lamang umanong layunin ay palakasin ang military intervention ng Amerika sa Pilipinas.
Ayon sa militanteng grupo, ang pakikialam ng US sa isyu ng bansa ay lalo lamang magpapalala sa tensyon kaya panawagan ng grupo, lisanin ng US at China ang karagatan ng bansa at itigil na ang militarisasyon bagkos ay unahin ang mga nasalanta ng habagat at Bagyong Carina gayundin ang nangyaring oil spill sa Bataan.