Militanteng grupong BAYAN at KADAMAY, nagsagawa ng kilos protesta

Manila, Philippines – Nagsagawa ng kilos protesta  ang mga militanteng grupong BAYAN at KADAMAY sa harapan ng tanggapan ng NHA Elliptical Road sa QC.
 
Tinawag nilang #OccupyNHA ang pinakabuod ng kanilang mga kahilingan itoy napapanahon umano sa ika 25th anniversary ng Urban Development and Housing Act of 1992,kung saan panawagan ng grupong Bayan at  Kadamay na kanselahin  na ang Notice of Eviction laban sa mga kasapi ng Kadamay na umuokopa sa mga Housing Units sa Pandi Bulacan.
 
Hinihiling  din ng mga militanteng grupo ang agarang pagpapalabas ng isang resolusyon na nagsasaad na dapat ibigay na sa mga kasapi ng Kadamay ang naturang mga Housing Units.
 
Pagkatapos ng kanilang isasagawang kilos protesta sa harapan ng NHA magsasagawa  naman ng caravan patungong  Mendiola sa Manila ang grupo upang ipagpatuloy ang kanilang kilos protesta.



Facebook Comments