Militar at Maguindanao Government nagsagawa ng Medcap sa GSKP at SSB

Higit isang libong indibidwal mula sa mga bayan Sultan sa Barongis at General Salipada K. Pendatun ang nakabiyaya sa mga serbisyong medical kasabay ng isinagawang Medical and Dental Mission ng Maguindanao Government katuwang ang LGU at mga military.

Noong July 5, unang tinungo ng Peoples Medical Team kasama si 1st Mechanized Batallion Commander Lt. Col. Lauro Oliveros ang Brgy. Kulasi sa GSKP. Nakabiyaya sa libreng consultation ang nasa 316 na mga pasyente, 81 ang nabunutan ng ngipin, at 27 mga kabataan ang natuli.

Samantala abot naman sa 657 na mga indibidwal ang nakinabang sa medcap na isinagawa kahapon sa Sultan Sa Barongis, naging kapartner ng Maguindanao Government si 40th IB BatCom Lt. Col Egar Catu. 445 ang nakabiyaya ng free consultation at gamot, 132 ang tooth extraction at 80 ang natuli.


Ang Medical and Dental Mission ay regular na ginagawa ng Peoples Medical Team sa lahat ng bayan sa lalawigan sa pangunguna ni Ms. Lynette Estandarte base na rin sa direktiba ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu na naglalayung mabigyan ng free medical services ang mga mamayan lalong lalo na ang nasa liblib na bahagi ng lalawigan.

Facebook Comments