Militar at mga Opisyales namahagi ng Classrooms at School Bags sa Rajah Buayan

21

Lubos ang kasiyahan ng mga mag-aaral, maging ng mga guro ng Pedsalenggian Elementary School sa bayan ng Rajah Buayan sa Maguindanao matapos na pormal ng maiturn -over kahapon ang dalawang silid aralan mula sa Provincial Government Office katuwang ang 6th ID.

Nanguna sa turn over ceremony si Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu kasama ang mga opisyales mula sa 601st Brigade at 40th IB.

Bukod sa silid aralan, daang daang mga school bags din ang ipinamahagi sa mga mag- aaral, maliban pa sa mga tsinelas , hygiene Kit, at food packs.

Naging posible ang mga inisyatiba ng PGO sa Rajah Buayan sa pangunguna ng Peoples Medical Team.

Samantala nagsagawa rin ng Balik Baril ang LGU ng Rajah Buayan kasabay ng aktibidad .

Facebook Comments