Militar at NPA nagbabakbakan ngayon sa Iloilo

5117

Nagpapatuloy ang bakbakan ngayon sa pagitan ng militar at ng komunistang grupong New Peoples Army (NPA) sa Miagao, Iloilo.

Ito ay kasunod ng magkasagupa ang pwersa ng Army 61st Infantry Division ang mga armadong grupo na nasa ilalaim ng ng lider ng NPA na si Joven Ceralco alias ‘Lex’.

Batay sa ulat nagsasagawa ng combat patrol operations ang tropa ng militar nang maka-engkwentro ang humigit kumulang na 30 kagawad ng New Peoples Army (NPA) sa Sitio Tigmahan, Barangay Alimondias, Miagao Iloilo.

Wala pa namang ulat kung may mga nasugatan o nasawi na sa magkabilang panig dahil sa nagpapatuloy na bakbakan.

Facebook Comments