Militar At NPA, Nagkaengkuwentro

160

Camp Melchor F dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela- Nakaengkuwentro ng mga tropang kasapi sa 17th Infantry Battalion ang tinatayang 10 na kasapi ng binansagang terroristang New People’s Army.

Ang engkuwentro ay nangyari sa Barangay Masi, Rizal, Cagayan bandang alas dose ng tanghali kahapon ng Pebrero 10, 2018.


Ayon sa ipinaabot na impormasyon ni Army Captain Jefferson Somera ng 5th ID Division Public Affairs Office(DPAO), ang labanan ay tumagal ng 15 minuto na kung saan ay umatras ang mga NPA nang matanto nilang hindi nila kaya ang mga militar.

Sila ay tumakbo papuntang Hilagang Kanlurang direksiyon ng Zinundungan Mountain.

Walang naitalang casualty sa panig ng militar at inaalam pa kung may nasugatan o namatay sa panig ng mga kumunista.

Ayon kay LTC Camilo Saddam, ang Commanding Officer ng 17IB, bago sa naturang engkuwentro ay ipinaabot sa kanila na mga sibilyan ilang araw na ang nakakalipas na may mga kumunista sa kanilang lugar na siya umanong ikinatakot ng mga mamamayan.

Agad naman silang nagresponde at naganap ang naturang laban.

Kaugnay nito ay ipinag-utos ni BGen Bartolome Vicente Bacarro, ang kumander ng 502nd Infantry Brigade ang pagdadagdag pa ng kanilang tropa para masuportahan ang 17IB sa kanilang ginagawang pagtugis sa mga NPA.

Facebook Comments