Militar at NPA, nagkaroon nang matinding sagupaan sa Dolores, Eastern Samar, 16 na NPA patay

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Ramon Zagala na nagpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa hindi mabilang na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Osmeña, Dolores, Eastern Samar.

Aniya, nagsimula ang operasyon kaninang alas-4:00 pa ng madaling araw na nagresulta sa pagkasawi ng 16 na NPA habang nakuha ng militar sa mga NPA ang 29 na mga matataas na kalibre ng armas.

Sinabi naman ni 8th Infantry Division Spokesperson Major Reynaldo Aragones, pinuntahan daw ng mga sundalo ang bomb making hideout ng mga NPA at doon na nagkaroon nang matinding bakbakan.


Agad aniyang humingi ng suporta ang tropa sa ground kaya mayroon na ngayong nangyayaring joint ground, air at sea operations laban sa NPA.

Hindi pa maisapubliko ng AFP hanggang sa ngayon ang buong detalye ng operasyon para hindi ito makaapekto sa nagpapatuloy na operasyon.

Facebook Comments