Militar at NPA, Nagkasagupa sa San Mariano, Isabela!

1525

San Mariano, Isabela- Nagkasagupaan pasado ala una kahapon ng hapon ang panig ng 95th Infantry Battalion sa nasa 15 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Ibuhan, San Mariano, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Major Jefferson Somera, pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO), 5th ID, PA, Nag-ugat ang sagupaan nang respondehan ng militar ang sumbong ng mga residente ng Brgy. Ibuhan hinggil sa mga isinasagawang aktibidades ng mga NPA.

Tumagal ng 30 minuto ang bakbakan ng magkabilang panig at kalauna’y umatras rin at nagsitakas ang mga nakasagupang rebelde.

Wala namang naitalang nasugatan sa panig ng militar habang inaalam pa sa panig ng NPA na kasalukuyang tinutugis ng 95th IB.

Sa ginawa namang hot pursuit operation ng militar sa lugar ay nadiskubre ang isang kampo ng NPA na kayang mag-accommodate ng apatnapung katao.

Samantala, lalo pang pinaigting ng militar ang seguridad sa naturang bayan lalo na ngayong nalalapit na 2019 midterm elections.

Facebook Comments