Militar at Rebeldeng Grupo, Nagkaengkwentro sa Cagayan

38

Cauayan City, Isabela- Tumagal ng 20 minuto ang sagupaan sa pagitan ng mga kasapi ng sundalo at New Peoples Army (NPA) sa Barangay Bural, Rizal, Cagayan.

Ayon sa ulat ng military, wala namang naiulat na naitalang sugatan sa panig ng pamahalaan habang inaalam naman kung mayroon sa mga tauhan ng rebeldeng grupo.


Nakaengkwentro ng military ang West Committee ng New Peoples Army sa Probinsya ng Cagayan.

Bago ito, tumugon sa sumbong ang pwersa ng 17IB,77 7th Battalion Philippine Marines at PNP dahil sa sinasabing mayroong presensya ng grupo sa lugar.

Narekober sa lugar ng bakbakan ang walong (8) improvised explosive device, dalawang rifle grenade, mga baril, cellphone at iba pang mga dokumento.

Nagsasagawa na ngayon ang military ng manhunt operation sa mga nakasagupang NPA.




Facebook Comments