Militar at response units sa Metro Manila, tutulong sa evacuation efforts sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal

The few Philippine Army Soldiers that were lucky enough to have been issued Body Armor, taken during Balikatan 2012. Photo courtesy of the US DVIDS website.

Tutulong na ang Philippine Military at Emergency Response Units sa Metro Manila para ilikas ang mga apektadong pamilya sa Batangas kasunod ng Phreatic Eruption ang Taal Volcano.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines, magpapadala sila ng 20 truck para tumulong sa evacuation efforts mula Talisay patungong Nasugbu at iba pang lugar.

Mayroon ding sampung truck ang naka-standby sa Fort Bonifacio.


Tumutulong na rin ang Militar sa mga lokal na pamahalaan at sa Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) para sa evacuation.

Maliban dito, nakahanda na ring i-deploy ang 15 Disaster Response and Rescue Team Units ng Philippine Navy sa Manila at Cavite.

Inatasan naman ni MMDA Chairperson Danilo Lim at General Manager Jojo Garcia sa Metropolitan Public Safety Office na makipag-ugnayan sa mga local unit sa Batangas at Cavite.

Sa hiwalay na video, sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno na pinagana at pina-alerto na niya ang kanilang evacuation centers.

Facebook Comments