MILITAR AT TERORISTA MULING NAGKAENGKWENTRO; 2 SUNDALO, SUGATAN

CAUAYAN CITY – Sugatan mula sa naganap na magkasunod na engkwentro ang dalawang sundalo ng 503rd Infantry Brigade sa Balbalan, Kalinga.

Nakilala ang mga sugatan na sina Cpl Jonard L. Addatu at PFC Rojemar A. Cuyen na agad dinala sa pagamutan at nasa maayos nang kalagayan.

Sa ulat ng 5th Infantry Division, unang nakasagupa ng tropa ng 103rd Infantry Battalion ang teroristang grupo na tinatayang nasa sampung miyembro ng Komiteng Larangang Guerilla (KLG) Baggas sa bahagi ng Barangay Balbalan Proper.


Matapos ang sagupaan, tumakas umano ang grupo at dito narekober ng militar ang ilang gamit pandigma na kinabibilangan ng rifle at materyales sa paggawa ng bomba.

Samantala, naganap ang ikalawang engkwentro ng makasalubong naman ng 98th Infantry Battalion ang papatakas na armadong grupo sa bahagi ng Barangay Balantoy na ikinasugat ng dalawang sundalo.

Facebook Comments