Militar, bukas sa imbestigasyon ng CHR sa pagkamatay ng 6 na NPA sa Kabankalan, Negros Occidental

Nanindigan ang 3rd Infantry Division (3ID) ng Philippine Army na lehitimo ang operasyon ng 47th Infantry Battalion kung saan naka-engkwentro at na-nutralisa nila ang 6 na komunista sa Lubi, Barangay Tabugon, Kabankalan City, noong September 21, 2023.

Sa isang pahayag sinabi ni Lt. Col. J-Jay Javines, tagapagsalita ng 3ID kumpiyansa sila na ang imbestigasyon ng Commission on Human Rights ay magpapawalang-sala sa mga tropa sa anumang alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao.

Ayon kay Lt. Col. Javines, striktong sinusunod ng mga sundalo ang Rules of Engagement at International Humanitarian Law sa kanilang mga operasyon dahil alam nilang may matinding kaparusahan ang paglabag dito.


Giit ni Lt. Col. Javines, ang mga nasawi sa operasyon ay mga notoryus na New People’s Army (NPA), na may mahabang kasaysayan ng krimen.

Facebook Comments