Gagamit na ang militar ng full force of the law para sa pagtugis sa Abu Sayyaf Group na namugot sa German national na si Juergen Kanther.
Mararamdaman ng teroristang grupo ang galit ng sambayanan sa kanilang brutal na pagpatay kay Kanther sa pamamagitan ng militar.
Ayon kay national Defense Spokesperson Arsenio Andolong, hindi titigil ang militar hanggat hindi napapanagot sa batas ang teroristang grupo na tinawag pa ng opisyal na mga animal.
Sinabi ng AFP na mayroon pang 31 bihag ang Abu Sayyaf dito ay 12 Vietnamese, 6 Pinoy, 1 Dutch, 7 Indonesians at 5 Malaysians.
Sa ngayon buhos ang tropa ng militar sa lalawigan ng Sulu para tugisin ang teroristang grupo.
Aminado si Andolong, kahit na buhos ang puwersa ng mga sundalo sa sulu, may mga factors na nakakaapekto kaya hindi magawang ma rescue ang mga bihag.
Giit ni Andolong, ilan sa mga kaanak ay gumagawa din ng paraan para mapalaya ng ligtas ang kanilang mga kaanak.
Gayunman, sinabi ni andolong na naninindigan ang Philippine at German government sa no ransom policy.