Militar, hindi dapat gamitin sa nalalapit na eleksyon

Iginiit ni Senator Richard Gordon na hindi tamang makialam ang mga sundalo sa pagdaraos ng halalan.

Reaksyon ito ni Gordon sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin ang militar para masiguro ang malinis, mapayapa at maayos na eleksyon sa susunod na taon.

Diin ni Gordon, ang tungkulin ng mililitar ay protektahan ang bansa laban sa external threat.


Tiwala naman si Gordon na hindi papayag dito ang mga sundalo dahil mananaig ang kanilang sinumpaang tungkulin na ipaglaban at protektahan ang ating bansa.

Facebook Comments