Mahigpit na kinondena ng militar ang ginawang pagsalakay ng CPP-NPA Terrorists sa tropa ng pamahalaan sa Negros Oriental nitong nakalipas na mga araw.
Ayon kay Major General Eric Vinoya, ang Commander ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, ginawa ng teroristang grupo ang pagsalakay sa CAFGU Active Auxiliary patrol base sa Barangay Sandayao, Guihulngan habang abala ang mga ito sa pagtulong sa mga residente para makaiwas sa nakakahawakang COVID-19.
Ito ay sa gitna na rin ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Unilateral Ceasefire sa CPP-NPA-NDF.
Sinabi pa ni General Vinoya na walang bukambibig ang Teroristang Komunista na sila ang tagapagtanggol ng masa pero patuloy namang gumagawa ng hindi makataong pagkilos lalo na sa panahon na na may kinakaharap na krisis pangkalusugan ang bansa.
Maaari naman daw silang huwag gumawa ng terroristic activities o manatili na lamang sa kanilang pinagtataguan bilang tulong sa mga Frontlines pero naisip pa rin nilang gumawa ng mga pagsalakay.