Sinabi ni LTC Oliver C Logan, Battalion Commander ng 17th Infantry Battalion na isang concerned citizen ang nagbigay impormasyon sa mga kasundaluhan tungkol sa mga itinagong bomba at gamit ng mga NPA sa nasabing lugar.
Agad namang tumugon ang kasundaluhan katuwang ang Marine Battalion Landing Team-10 at PNP upang beripikahin ang natanggap na impormasyon.
Nang makarating sa lugar ang tropa ay positibong nahukay ang dalawang (2) projectiles na 105MM at 155MM na parehong walang fuse, mga libro ng NPA na may titulong Saligang Batas ng Partido Komunista at sulat sa NDF Cagayan Valley.
Pinasalamatan naman ng Kumander ang mga dating rebelde sa patuloy na pagbibigay tulong at pagsisiwalat ng impormasyon para sa kampanya laban sa insurhensiya.
Inihayag naman ni MGen Laurence Mina, pinuno ng 5th Infantry Division, Philippine Army na ang mga narekober na pampasabog ay posibleng gagamitin ng mga NPA sa kanilang pagsasagawa ng karahasan at terorismo sa Lambak ng Cagayan.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng 17th IB ang mga nakumpiskang bomba at libro ng mga NPA.