Puspusan ang ginagawang pagbibigay impormasyon ng militar sa publiko kung papaano makatulong upang labanan ang terorismo sa bansa.
Nagbahay-bahay ang mga sundalo sa Sitio Halang, Barangay San Isidro, Cainta Rizal at namahagi ng pamphlets para ipamulat sa taong-bayan kung ano- anong paraan para labanan ang terorismo.
Bukod sa pamamahagi ng pamphlet, naglagay rin sila ng banner sa Barangay Outpost na nakasaad ang katagang “Protektahan ang mga Kabataan laban sa Terrorist, ang CPP-NPA-NDF!, suportahan ang Local Peace Talks!”
Nakapaloob sa mga pamphlets na ibinibigay ang:
- Ano ang Terorismo
- Maituturing bang Terorismo ang pagra-rally
- Ang pagpaplano at pagsasanay para sa Terorismo ay itinuturing na bang krimen
- Anu-ano ang iba pang kaugnayan na kaso ng Terorismo
- Sino ang itinuturing na accessory sa krimen ng Terorismo
- Anu-ano ang mga kapangyarihan ng AML
- Anu-ano ang mga programa ng gobyerno sa paglaban sa Terorismo
- Papaano makakatulong ang mga mamamayan sa paglaban sa Terorismo
Facebook Comments