Naglunsad ng operasyon ang tropa ng gobyerno laban sa mga hinihinalang ISIS-inspired group sa Lanao del Sur.
Ito ay sa pangunguna ng 103rd Brigade katuwang ang Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Ramon Zagala, layunin ng close air support na maprotektahan ang mga sundalo sa anti-personnel mines ng mga kalaban.
Kasabay nito, pinawi ni Zagala ang pagkabahala ng mga residente sa nangyayaring operasyon sa lugar.
Nais aniya nilang masiguro na hindi mananatili ng mga terorista ang lalawigan.
Facebook Comments