Siniguro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na makakarating ang tulong sa lahat ng mga biktima ng Bagyong Odette.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala, ongoing ang kanilang disaster response operations sa mga lugar na sinalanta ng bagyo at 24/7 ang pagtatrabaho ang militar para tulungan ang mga nasalanta.
Aniya, bilang lead agency of the Search, Rescue, and Retrieval Cluster ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), naka-deploy ang kanilang mga units mula sa mga regional command hanggang sa mga battalion para sa malawakang pagresponde.
Naka-standby rin aniya ang lahat ng air at naval assets ng militar upang sumuporta sa pangangailangan ng national at local disaster risk reduction and management councils.
Nanawagan naman si Col. Zagala sa lahat ng mga nais na tumulong na gawin ang anumang makakayanan nila para sa mga naapektuhan ng bagyo.