Militar nakaalerto bunsod sa banta ng IED sa SPMS Box

Bahagyang nabalam ang mga motorista sa bahagi ng Datu Saudi Ampatuan
matapos may mamataang suspected Improvised Explosive Device mag aalas syete
ng umaga.

Sa impormasyong ipinarating sa DXMY ni 6th ID CMO Chief Lt. Col. Gerry
Besana , natagpuan ang suspected IED sa LINING AREA, di lamang kalayuan sa
Batallion Headquarter ng 2nd Mech.

Agad namang nagresponde ang mga otoridad at agad na dinisrupt ang suspected
IED. Lumalabas sa imbestigasyon na walang kakayanang makapaminsala ang IED
bagkus tanging layunin nito ang maghasik ng takot giit ng militar.


Malaki ang posibilidad na BIFF ang nasalikod ng pambubulabog dagdag ng
militar.

Nagpapatuloy namang nakakaalert ang buong hanay ng militar sa lugar

Facebook Comments