Thursday, April 9, 2026

Militar, nanawagan sa NPA na palayain ang isang Filipino-American kasunod ng nakuhang distress notes sa Mindoro

Nanawagan ang 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division sa New People’s Army (NPA) na palayain ang Filipino-American na si Cristina Pasion na pinaniniwalaang kasama ng armadong grupo sa Occidental Mindoro.

Isinagawa ang appeal matapos madiskubre ang isang sulat kamay na notes noong March 29 incident sa Occidental Mindoro, kung saan nagkaroon ng engkwentro ang mga tropa at ang nasabing armadong grupo na nagresulta sa pagkasawi ni Army Officer Captain Dean Buen Oyando at pagkasugat ng 2 iba pang sundalo.

Kasunod ito ng insidente kung saan natagpuan din si Charlie Garzon, isa sa mga naiwang rebelde sa hindi kalayuan ng nasabing pinangyarihan ng engkwentro.

Narekober sa lugar ang mga notebooks at iba pang mga personal writings na pinaniniwalang naiwan ng mga tumakas na myembro ng armadong grupo kung saan isa sa mga nakita rito ang sulat kamay ni Pasion.

Kung saan nagpahayag ng pangamba ang Division sa tono ng nasabing sulat kamay na nagpapakita na ang author nito ay maaaring nakaka-experience ng emotional strain habang nasa loob ng armadong grupo.

Si Pasion ay myembro ng Migrante International at nakitang kasama ng Filipino-American rin na si Chantal Anicoche na naiulat din na natagpusan noong January incident sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro matapos magkaroon ng engkwentro ang NPA at militar.

Ayon pa sa ulat ng militar, inaasahan na babalik si Pasion sa US sa March 14 ngunit hindi ito nagpakita sa kanyang naka-schedule na departure sa airport.

Samantala, nanawagan naman ang chief ng 2nd Division Public Affairs Office na si Colonel Michael Aquino sa pamilya ni Pasion na tulungan ito na hikayating umuwi na.

Facebook Comments