MILITAR, NPA NAGKA ENGKWENTRO SA NUEVA VIZCAYA

CAUAYAN CITY- Puspusan ang isinasagawa ngayong ground operation sa Sitio Marikit, Barangay Abuyo, Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya, matapos ang nangyaring sagupaan sa pagitan ng kasundaluhan at New People’s Army.

Sinabi ni MAJ Jimson Masangkay, Chief ng Division Public Affairs Office ng 7th Infantry Division, Philippine Army, bandang 12:30 ng madaling araw ng Huwebes nang maganap ang engkwentro.

Watch more balita here: 𝗧𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗧𝗔𝗚𝗔𝗥𝗔𝗡


Sa ngayon ay patuloy pang sinisikap na matukoy ang kalagayan ng mga tropa sa lugar gayundin ang kabuuang detalye ng bakbakan.

Gayundin, kung anong grupo at ilang miyembro ng terorista ang nakasagupa ng tropa ng militar.

Facebook Comments