General Santos City – Pinabulaanan ng militar ang mga report na mayroong nakapasok na miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Sa Iilang Bayan Ng sarangani province.
Sinabi ni Colonel Tiny Banas, commanding officer ng 1002nd Brigade Philippine Army na walang katotohanan ang mga kumakalat na report na mayroong miyembro ng Abu Sayaff na nakapasok na ng Glan, at miyembro ng breakaway group ng MILF naman sa Malapatan, Sarangani Province.
Sinabi ni Col. Banas na matapos nilang makatanggap ng ganong mga impormasyon ay agad nila itong inimbistigahan pero lumabas na negatibo at walang katutuhanan.
Dahil dito pinayuhan ng nasabing opisyal ang mamamayan ng Sarangani na hindi kaagad maniwala sa mga ganoong report dahil posibling isa lamang itong pananakot sa publiko.
DZXL558