MANILA – Pinaghahanda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo para sa mas mahaba-habang laban kontra sa teroristang Abu Sayyaf Group (ASG).Sa pagharap ni Pangulong Duterte sa 5th Infantry Division sa Camp Melchor dela Cruz, sa Gamu, Isabela noong Sabado, sinabi nito sa myembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na habang tahimik pa ang sitwasyon ay kailangan ng puspusang pagsasanay ng mga sundalo lalo na sa pagkalap ng mga impormasyon.Ayon sa pangulo, ayaw ng makipag-usap para sa kapayapaan ang Abu Sayyaf dahil mas gusto nitong magkaroon ngcaliphateo higit na makilala ang kanilang grupo bilang teroristang grupo hindi lang sa bansa kundi maging sa Southeast Asia.Kasabay nito, tiniyak ng pangulo na ibibigay nito ang lahat ng kinakailangang suporta sa mga sundalo para manalo sa laban.
Militar, Pinaghahanda Na Ni Duterte Laban Sa Bandidong Abu Sayyaf Group
Facebook Comments