Militar, posibleng gamitin ni Pangulong Duterte sa COVID-19 crisis; mga pulis, tutulong sa contact tracing

Mapipilitan si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang mga sundalo sa pagpapatupad ng quarantine protocols kapag patuloy na sumusuway ang mga tao sa health protocols sa harap ng COVID-19 pandemic.

Sa kaniyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na handa ang pamahalaan na mag-deploy ng mga sundalo kapag patuloy pa ring tumaas ang kaso ng COVID-19.

Aminado ang Pangulo na kulang ang mga pulis kaya maaari niyang gamitin ang militar para pwersahin ang mga tao na sundin ang community lockdown.


Bukod dito, inatasan ng Pangulo si Interior Secretary Eduardo Año na gamitin ang mga pulis para tumulong sa contact tracing.

Pagtitiyak ng Pangulo na buo ang kaniyang suporta sa pulisya.

Nananawagan ang Pangulo sa publiko na sumunod sa quarantine protocols at minimum health standards para mapigilan ang pakalat ng sakit.

Una nang tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Gilbert Gapay na walang mangyayaring militarisasyon sa COVID-19 response.

Facebook Comments