Militar, walang isasagawang malaking paghahanda kaugnay ng ika-57 anibersaryo ng NPA sa Disyembre 26; ngunit mananatiling nakaalerto ngayong holiday season

Walang isasagawang malaking paghahanda ang militar kaugnay ng ika-57 anibersaryo ng New People’s Army (NPA) sa Disyembre 26.

Ito ang sinabi ni Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, ngunit tiniyak niyang mananatiling nakaalerto ang militar ngayong holiday season.

Matatandaang nagdeklara ang Communist Party of the Philippines (CPP) ng apat na araw na tigil-putukan sa Disyembre 25 at 26, at sa Disyembre 31 hanggang Enero 1, 2026, bilang bahagi umano ng kanilang anibersaryo.

Gayunman, tinawag ng Department of National Defense (DND) na isang propaganda stunt ang naturang anunsyo ng grupo.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang Philippine Army sa mga natitirang miyembro ng teroristang grupo na sumuko at magbalik-loob upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Facebook Comments