Manila, Philippines – Sa harap ng kawalan ng protesta mula sa gobyerno ng Pilipinas kaugnay ng militarisasyon ng China sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippines Sea (WPS).
Magsasagawa ng kilos protesta sa Sabado ang iba’t ibang grupo sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa harap ng konsulada ng China sa Makati City.
Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, kailangang ipakita sa buong mundo ang pagtutol ng mga Pilipino sa iligal na reclamation activities at pagtatayo ng mga base militar sa mga disputed islands at maging sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Paliwanag ng Bayan hanggang ngayon kasi ay hindi kinikilala ng China ang hatol ng Permanent Court of Arbitration na pumapabor sa Pilipinas.
Sinabi pa nito na lantaran ang ginagawang pambabastos ng China sa International law dahil umaasta itong siga o superior sa lahat.
Kasunod nito, umaapela ang grupo na makiisa sa nasabing kilos protesta sa Sabado ng umaga.