Manila, Philippines – Dapat nang humingi ng tulong ang gobyerno ng Pilipinas sa mga kaalyado nitong bansa para i-pressure ang China hinggil sa kanilang “militarisasyon” sa West Philippine Sea.
Ito ang sinabi ni si Senador Panfilo Lacson kasunod nang pagpapadala ng China ng kanilang long range nuclear capable aircraft bomber sa West Philippine Sea.
Ayon kay Lacson, hindi na dapat balewalain ng Malacañang ang mga hakbang at dapat nang seryosohin ng pamahalaan ang panghihimasok ng China sa teritoryo ng bansa.
Giit naman ni Minority Leader Franklin Drilon, mariin niyang kinokondena ang patuloy na paglabag ng China sa arbitration award ng International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas.
Naniniwala rin aniya siyang maaaring manghimasok din ang China sa nakatakdang eleksyon sa Mayo 2019.
Samantala, kinondena ng ilang mambabatas ang deployment ng China ng aircraft bomber ng China sa West Philippine Sea.
Sa isang statement, sinabi ni Magdalo Party-List Representative Gary Alejano na sa naturang panibagong hakbang ng China, malinaw na pinapalakas nila ang militarisasyon sa West Philippine Sea.
Iginiit ni Alejano na global concern na ang isyu sa militarisasyon ng China pero ang Pilipinas ay mistulang tahimik lamang dito.