Makakatulong sa pagpapaunlad ng kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang $500M na tulong-militar ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla sa pamamagitan ng tulong na ito ng Amerika ay epektibong magagampanan ng sandatahang lakas ang kanilang territorial defense mission upang makapag-ambag sa regional security at pagpapanatili ng isang bukas at malayang Indo-Pacific Region.
Ipinaubaya naman ni Col. Padilla sa Department of National Defense (DND) ang iba pang detalye tungkol sa naturang tulong-militar.
Una nang sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na ang pagtatatag ng Pilipinas ng isang credible deterrent posture ay mahalaga sa pagtataguyod ng rule of international law sa rehiyon.