JOLO, SULU – Mas pinaigting ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang kanilang military operation para masagip ang natitira pang hostage ng grupong Abu Sayyaf.Kasunod ito ng kumpirmasyong pinugutan na ng ulo ang Canadian National na si John Ridsdel.Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, nakafocus na ang kanilang military bombardment sa ilang bahagi ng Sulu kung saan umano tumatakbo ang bandidong grupo kasama ang ilan pang mga bihag.Dagdag pa ni Detoyato, bukod sa tatlong natitirang bihag mula sa Samal Island, nasa 20 Foreign Nationals pa ang hawak ng Abu Sayyaf kung kaya’t hinay-hinay din sila sa kanilang mga operasyon.Kaugnay nito, hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si PNP Chief Director General Ricardo Marquez hinggil sa ginagawang hakbang para mailigtas ang tatlo pang hostage.Sinabi ni Marquez, na importante pa rin na mapangalagaan ang seguridad ng mga bihag.Una nang kinondena ni Canada Prime Minister Justin Trudeau ang naturang pagpugot sa ulo ni Ridsdel matapos na bigong maibigay ang P300-Milyon ransom na hinihingi ng bandidong grupo kapalit ng kalayaan ng bawat isang biktima.Gayunpaman, nangako naman ang Canada na makikipagtulungan sa Pilipinas at iba pang kaalyado bansa para tugisin at mapanagot ang mga bandido.
Military At Law Enforcement Operation Para Mailigtas Ang Natitira Pang Hostage Ng Abu Sayyaf Group – Pinaigting Pa Ng Af
Facebook Comments