China- Nagsagawa ng simulated missile drill ang Chinese Navy sa hindi tinukoy na lugar sa South China Sea.
Ang military drill ay bahagi umano ng paghahanda ng China para sa isang “real-life combat” partikular na sa himpapawid.
Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala ang Estado Unidos sa ginagawang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.
Ipinagtanggol naman ni U.S. Secretary of State Mike Pompeo ang paglalayag ng barko ng Amerika at paglipad ng mga fighter jet sa pinag-aagawang teritoryo.
Aniya, kailangan nila itong gawin para pigilan ang China sa paglilimita sa paglalayag sa South China Sea.
Facebook Comments