Nagtapos na ang Exercise Kasangga o military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Australia.
Sa loob ng isang buwan, nagsanay ang 100 sundalo mula sa 86th Infantry Batallion ng 5th Infantry Division ng Philippine Army at 50 sundalo mula sa Australian Royal Regiment sa Camp Melchor Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.
Kasama sa training ang iba’t ibang pagpapalakas ng interoperability tulad ng urban warfare, breaching operations, tactical casualty care, drone operations, jungle survival training, intelligence, surveillance, at reconnaissance operations.
Nagpalitan din kaalaman at kasanayan ang mga sundalo sa pakikipaglaban sa mga teroristang grupo.
Sa kaniyang mensahe, hinikayat ni 5ID Commander Maj. Audrey Pasia ang mga sundalo na gamitin ang kanilang natutunan mula sa pagsasanay para sa patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa dalawang bansa.