Naging matagumpay ang isinagawang Military Free Fall Jump Exercise sa Long Beach, San Vicente, Palawan nitong April 30, 2024.
Bahagi ito nang nagpapatuloy na 39th annual Balikatan Exercise sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Indo-Pacific Command.
Ayon kay LTC John Paul Salgado Chief, Combined Joint Information Bureau, kasama sa mga nakilahok sa exercise ang Para-jumpers mula sa Philippine Marine Corps Reconnaissance, Special Operations Wing of the Philippine Air Force, Special Forces Regiment Airborne at ang kanilang U.S. counterparts.
Nakibahagi naman bilang observers ang Australian Defence Force kung saan layon ng MFF na mapalakas ang interoperability at joint training ng magka alyadong pwersa.
Sinabi ni Salgado bago ang free fall jump, sumabak muna ang mga participants sa komprehensibong familiarization session at lecture sa Explosive Ordnance Disposal Exercise.
Ani Salgado, testamento ang drill ng matatag na alyansa ng Estados Unidos at Pilipinas upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa Indo-Pacific region.