Military honors, ipinagkaloob sa pumanaw na 101 na taong beterano

Pinagkalooban ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng military honors si World War 2 veteran Private Juan Aquino Jacob, na pumanaw isang buwan bago ang kaniyang ika-102 taong kaarawan.

Inihatid si Private Jacob sa kaniyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani nitong April 2, na kumpleto ang parangal na ipinagkakaloob sa isang bayani.

Si Private Jacob ang isa sa pinakamatandang beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII), na nagsilbi sa (USAFFE).


20 taon lang siya nang mag-enlist siya sa Alpha Company, 52nd Engineer Battalion, 51st Infantry Division ng USAFFE, para lumaban sa mga hapon.

Isa siya sa mga survivor ng Bataan Death March at ang kaniyang pangalan ay naka-ukit sa talaan ng mga bayani sa Shrine of Valor sa Mount Samat, Bataan.

Ngayong araw hanggang sa April 11, ginugunita ang Philippine Veterans Week bilang pagbibigay pugay sa sakripisyo at kagitingan ng mga Pilipinong beterano ng WWII.

Facebook Comments